Pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tren mandatory pa din ayon sa DOTr

Pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tren mandatory pa din ayon sa DOTr

Nananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng railways sa bansa kabilang ang Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino mandatory ang pagsusuot ng face masks habang nasa loob ng mga tren para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Mandaotry din ayon kay Aquino ang pagsusot ng face masks habang nasa loob ng mga istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Optional naman ang pagsusuot ng face mask sa mga istasyon ng PNR dahil open spaces ang mga PNR station.

Bagaman marami nang mamamayan ang nabakunahan kontra COVID-19 sinabi ni Aquino na dapat pa ring maging maingat ang mga commuter. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *