School Heads pinayagan ng DepEd na magpatupad ng modular distance learning kapag matindi ang init ng panahon
Pinayagan ng Department of Education ang pamunuan ng mga eskwelahan na magpatupad ng modular distance learning dahil sa matinding init ng panahon at sa nararanasang power outages sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, may inilabas na memorandum ang DepEd sa mga public at private school kung saan pinapaalalahanan ang mga school heads sa kanilang authority at responsibilidad na supendehin ang in-person classes dahil sa lagay ng panahon.
Kasama aniya dito ang matinding init ng panahon na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Sinabi ni Poa na dahil iba-iba ang sitwasyon sa bawat paaralan, ipinauubaya ng kagawaran sa mga school head ang pagpapasya. (DDC)