Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 337 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 10:34 ng umaga ng Linggo (Apr. 23).
May lalim na 35 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities sa nasabing lindol at hindi rin ito magdudulot ng aftershocks. (DDC)