Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Binabantayan ng PAGASA ang isang bagyo na nasa labas pa ng bansa.

Ang tropical depression na mayroong international name na Sanvu ay huling namataan sa layong 2,960 kilometers east ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Linggo, Apr. 23, ang buong bansa ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *