Senado tutulong sa problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro
Nakipag-ugnayan si Senator Raffy Tulfo sa National Electrification Administration (NEA) upang masolusyonan ang problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Tulfo, nakararanas ng energy crisis sa Occidental Mindoro kung saan apat na oras na lamang kada araw nagkakaroon ng suplay ng kuryente.
Ayon kay Tulfo, humingi si NEA administrator Antonio Antonio Almeda ng tatlong linggo upang makapagbigay ng konkretong solusyon sa problema.
Humiling din ng appointment sa Malakanyang si Tulfo para makausap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matalakay ang mga bagay na maaaring maitulong ng Senado hinggil sa usapin. (DDC)