DOT tutulong sa pagpapatibay ng turismo sa Las Piñas
Nangako ng tulong ang Department of Tourism (DOT) sa pagpapatibay ng industriya ng turismo sa Las Piñas City.
Bilang bahagi ng suporta mula sa DOT ay pinangunahan nito ang orientation tungkol sa tourism guide book na nagbibigay ng mga rekomendasyon at gabay para sa pagsisimula ng maayos na pagpaplano ng matibay na paglago ng turismo sa lungsod.
Dahil ang turismo ay isa sa mga mahahalagang bagay at hakbang para sa lalong ika-uunlad ng ekonomiya ng isang lugar.
Nagpasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Tourism and Cultural Office sa DOT-NCR sa ipinagkaloob nitong suporta at gabay para sa ikakaganda ng turismo ng lungsod.
Naging matagumpay ang idinaos na tourism guide book orientation sa Las Piñas sa pangunguna ni DOT-NCR Regional Director Sharlene Batin-Batin kasama ang mga mahuhusay na tagapagsalita na sina Binibining Bamba Ramos at Ginoong Kenneth Ruedas ng DOT-NCR. (Bhelle Gamboa)