Halos 600 na PDL mula sa prison and penal farms sa bansa, lumaya na

Halos 600 na PDL mula sa prison and penal farms sa bansa, lumaya na

Halos 600 na PDL mula sa prison and penal farms sa bansa, lumaya na

Masayang tinanggap ng 580 na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang prison and penal farms ng bansa ang sertipiko ng kanilang paglaya mula sa Bureau of Corrections (BuCor) sa ginanap na simpleng seremonya sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ngayong Huwebes, Abril 20.

Pinangunahan nina Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta ang naturang seremonya na may temang Bagong Buhay at Pag-asa, Pagbabago’y Matatamasa”.

Sa kabuuang bilang ng lumayang PDL, nasa 353 rito ang nabigyan ng parole dahil sa ipinamalas na magandang record sa loob ng bilangguan habang ang ibang PDL ay napawalang-sala ng korte at natapos na ang kani-kanilang hatol.

Binigyang importansya ni Sec. Remulla ang pagpapatupad ng bagong reporma sa BuCor para sa mas maayos na pamamahala sa mga kulungan at matiyak ang kapakanan ng mga PDL.

Nais naman ni BuCor Chief Catapang na bigyan ng isa hanggang tatlong ektaryang lupa ang bawat PDL sa Iwahig Penal Farm upang malayang makapamuhay kasama ang kani-kanilang pamilya habang tinatapos ang kanilang sentensiya o hatol.

Ayon pa kay Catapang asahan pa sa mga susunod na linggo o buwan ang pagpapalaya sa mga PDL na isa sa mga direktiba ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Nabatid na sa taong 2028 ay target na isara na ang NBP at mailipat ang mga PDL sa Nueva Ecija at sa ibang prison and penal farms upang bigyang-daan ang target na konstruksiyon ng BuCor Global City kasama na rito ang pagtatayo ng food terminal hub sa lugar. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *