11 lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

11 lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa labingisang lugar sa bansa araw ng Miyerkules, Apr. 19.

Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:

• Aparri, Cagayan – 46 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 46 degrees Celsius
• Casiguran, Aurora – 45 degrees Celsius
• Catarman, Northern Samar – 43 degrees Celsius
• Butuan City, Agusan del Norte – 42 degrees Celsius
• Davao City, Davao Del Sur – 42 degrees Celsius
• Dipolog, Zamboanga del Norte – 42 degrees Celsius
• Guiuan, Eastern Samar – 42 degrees Celsius
• Masbate City, Masbate – 42 degrees Celsius
• San Jose, Occidental Mindoro – 42 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 42 degrees Celsius

Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.

Sa PAGASA Science Garden sa Quezon City umabot sa 40 degrees Celsius ang naitalang heat index noong Miyerkules, habang 41 degrees Celsius naman sa NAIA, Pasay City. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *