P1M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Customs Legazpi sa Matnog Port

P1M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng Customs Legazpi sa Matnog Port

Nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan Bureau of Customs-Port of Legazpi sa Matnog Port sa Sorsogon katuwang ang mga tauha ng Philippine Coast Guard-Sorsogon.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ng mga otoridad ang 16 na karton ng smuggled na sigarilyo na naglalaman ng 758 reams.

Ayon sa BOC, aabot sa P1,061,200 ang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo.

Ang mga smuggled na sigarilyo ay lulan ng Urvan Shuttle galing ng Ongpin, Manila at dadalhin sana sa Cebu City.

Pawang walang legal documents at revenue seals ang mga nakumpiskang kontrabando.

Magpapalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa mga nakumpiskang sigarilyo dahil sa paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at sa Republic Act No. 8424 o National Internal Revenue Code of the Philippines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *