Ceremonial groundbreaking sa anim na “Pambansang Pabahay ng Pangulo” projects sa Bulacan sabay-sabay na isinagawa

Ceremonial groundbreaking sa anim na “Pambansang Pabahay ng Pangulo” projects sa Bulacan sabay-sabay na isinagawa

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng “Pambansang Pabahay ng Pangulo” project sa Heroes Ville, Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Nasa 1,890 na housing units ang itatayo sa nasabing lugar na kapapalooban ng siyam na gusali na mayroong walong palapag.

Dumalo din sa seremonya si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at si Bulacan Governor Daniel Fernando.

Sa hiwalay na aktibitad, sabay ding isinagawa  ang groundbreaking ceremony para sa 12 ektaryang Pandi Terraces sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

Tinataya namang 4,050 units ang itatayo sa naturang site.

Pinasinayaan din ang Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Barangay Sta. Cruz, Guiguinto na mayroong 108 units at ang Pambansang Pabahay Para sa Maloleño Program 2023-2025 sa Barangay Santor, Malolos City na may 675 units.

Ang 4PH Project sa lalawigan ng Bulacan ay inaasahang makalilikha ng 12,563 housing units sa initial phase ito at hanggang 30,000 shelter units sa expanded phase. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *