4 na crew ng lumubog na tugboat sa Surigao nailigtas ng Coast Guard
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Maritime Safety Services Command (MSSC) Unit sa North Eastern Mindanao (NEM) kaugnay sa paglubog ng isang tugboat sa Surigao Base Port, Surigao City, Surigao del Norte.
Sa inisyal na imbestigasyon, umaasiste ang MTUG SUrigao Strait sa MV Span Asia 33 na nagsasagawa ng undocking maneuver nang mangyari ang insidente.
Ang tugboat pag-aari ng Transcoastal Tugs and Shipping Services Company Inc. ay may lulang apat na crew na pawang nakatalon naman bago ito lumubog.
Ayon naman sa Philippine Coast Guard Station Surigao Del Norte pawang nasa maayos na kondisyon ang apat na crew.
Sa isinagawang underwater inspection ng Coast Guard Special Operations Group ay negatibo naman sa oil spill ang lugar na pinangyarihan ng insidente. (DDC)