LTFRB nagpatawag ng dayalogo para talakayin ang pagtutol sa karagdagang TNVS slots

LTFRB nagpatawag ng dayalogo para talakayin ang pagtutol sa karagdagang TNVS slots

Inimbitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupong Laban TNVS gayundin ang iba pang stakeholders sa isang dayalogo upang mailatag ang kanilang mga hinaing kaugnay ng mga isyu sa TNVS.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, bukas ang tanggapan ng LTFRB para sa Laban TNVS at maging sa iba pang mga transport group upang mapag-usapan ang lahat ng hinaing ng mga ito hinggil sa pagbubukas ng karagdagang TNVS slots.

Sinabi ni Guadiz na palaging nakahanda ang LTFRB na pakinggan ang mga transport group sa kanilang mga hinaing.

Ang imbitasyon ay ipinaabot ng LTFRB sa Laban TNVS matapos magpahayag ng pagtutol ang grupo sa desisyon ng LTFRB na magbukas ng karagdagang 10,300 TNVS slots sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *