Nadiskaril na tren ng PNR hindi pa naiaalis sa riles; biyahe ng mga tren limitado

Nadiskaril na tren ng PNR hindi pa naiaalis sa riles; biyahe ng mga tren limitado

Patuloy ang ginagawang hakbang ng mga kawani ng Philippine National Railways (PNR) para maialis sa riles ang tren nito na nadiskaril sa pagitan ng Pasay Road at EDSA stations.

Nangyari ang insidente Martes (Apr. 18) ng umaga habang binabagtas ng tren ang riles lagpas ng Don Bosco Crossing.

Ligtas naman ang lahat ng 400 pasahero ng nasabing tren.

Dahil sa insidente, ang biyahe ngayon ng mga tren ng PNR sa Metro Manila ay ang mga rutang Gov. Pascual, Malabon to Vito Cruz at Vice Versa at Tutuban to Vito Cruz at vice versa.

Sa update ng PNR, Miyerkules (Apr. 19) ng umaga ay 70 kawani nito ang nagtutulong-tulong para mas mapabilis ang pagsasaayos at maibalik ang serbisyo sa apektadong ruta.

Sa sandaling matapos ang pagsasaayos ay agad na maibabalik ang serbisyo ng mga tren mula Governor Pascual hanggang Tutuban, at Tutuban hanggang Alabang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *