MOA para sa sustainable livelihood programs nilagdaan ni Mayor Aguilar at DSWD

MOA para sa sustainable livelihood programs nilagdaan ni Mayor Aguilar at DSWD

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa Specific Implementation Agreements (SIA) at Data Sharing Agreements (DSA) ng sustainable livelihood programs ang nilagdaan sa pagitan nina City Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-National Capital Region Officer-in- Charge Atty. Michael Joseph Lorico, na ginanap sa Las PiƱas City Hall nitong Abril 18.

Ang Sustainable Livelihood Programs ay social protection programs na naglalayong mapagbuti ang socio-economic status ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng probisyon ng mga proyektong pangkabuhayan sa lungsod.

Sa pagkakalagda ng mga kasunduan ay mas maayos at wasto ang pagpapatupad ng mga paraan ng pangkabuhayan sa komunidad.

Kasama rin sa signing ng MOA sina City Vice Mayor April Aguilar at CSWDO Officer in Charge Lowefe Romulo, RSW. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *