Limang lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Limang lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa limang lugar sa bansa araw ng Martes, Apr. 18.

Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:

• Roxas City, Capiz – 43 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 43 degrees Celsius
• Dipolog, Zamboanga del Norte – 42 degrees Celsius
• NAIA, Pasay City – 42 degrees Celsius
• Virac, Catanduanes – 42 degrees Celsius

Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.

Sa PAGASA Science Garden sa Quezon City umabot sa 39 degrees Celsius ang naitalang heat index noong Martes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *