MMDA field personnel sa EDSA nakatanggap ng bottled water
Namigay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng inuming tubig sa mga on-duty field personnel na nakadeploy sa EDSA para maiwasan ang dehydration ngayong panahon ng tag-init.
Pinangunahan ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana ang pamamahagi ng bottled water at ilang styrofoam coolers sa mga traffic enforcers, street sweepers, at road emergency responders sa ilalim ng EDSA Timog flyover sa Quezon City.
Ang mga bottled waters ay mula sa Manila Water at Pocari Sweat (Philippines) na bahagi ng kanilang pagsuporta sa programang heat stroke break na ipinatutupad ng ahensya para sa mga field personnel nito.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang dehydration ay posibleng magdulot ng mas malalang kondisyon gaya ng heat exhaustion, heat stroke at iba pang heat-related illnesses kaya mabuti ang pag-inom ng maraming tubig. (Bhelle Gamboa)