91 million na balota para sa Barangay at SK elections natapos ng iimprenta ng Comelec
Halos 100 percent na ang kahandaan ng Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 91 million na balota na ang natapos iimprenta ng Comelec.
Sa susunod na buwan ng Mayo, mag-iimprenta ng karagdagang 1.6 million pang mga balota.
Ito ay para aniya sa nadagdag na bilang ng mga botante mula noong Dec. 12, 2022 hanggang Jan. 30, 2023.
Ang iba pang mga election paraphernalia ay nai-deliver na sa Comelec.
Ani Garcia, unti-unti na ring sinisimulan ang pagsasaayos sa mga ito upang maagang mai-deliver sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (DDC)