P1.6M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Sorsogon
Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P1.6 million na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Matnog Port sa Sorsogon.
Nadiskubre ito habang iniinspeksyon ng PCG Sub-Station Matnog at PCG K9 Unit-Matnog sa isang puting “Nissan Urvan” na naghihintay ng biyaheng RoRo.
Patungo sana ng Allen, Northern Samar ang nasabing sasakyan.
Dinala sa Bureau of Customs (BOC) ang sasakyan at kontrabando para sa isasagawang imbestigasyon.
Inaresto rin ng mga otoridad ang tatlong suspek na sakay ng puting “Nissan Urvan.” (DDC)