DICT handa na sa pagpapatupad ng single operating system sa lahat ng transaksyon sa gobyerno
DICT handa na sa pagpapatupad ng single operating system sa lahat ng transaksyon sa gobyerno
Nakahanda na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa roll-out ng single operating system para sa lahat ng government transactions matapos itong aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong April 11, 2023.
Ito ay para masiguro ang mas mabilis, mas simple at mas madaling paghahatid ng serbisyo ng gobyerno.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sa pag-apruba ng pangulo sa panukala ay mas mapapabilis ang e-governance programs and projects ng DICT.
Noong December 2, 2022, inilunsad ng DICT ang eGov Super App sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa ilalim nito ay bubuo, magpapatupad implementation, at magkaakroon ng integration ng E-Local Government Units (ELGU), E-Government Application (EGovApp), EGovpay, E-Travel, at E-Cloud.
Lilikha din ang DICT ng e-commerce portal katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) na magagamit ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) para maialok ang kanilang mga produkto at serbisyo online. (DDC)