DOLE naglabas ng pay rules para sa mga papasok sa trabaho sa April 21

DOLE naglabas ng pay rules para sa mga papasok sa trabaho sa April 21

Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tamang pagpapasweldo sa mga empleyadong papasok sa Biyernes, April 21.

Sa Labor Advisory No. 10 ng DOLE, ang empleyadong hindi papasok sa trabaho sa nasabing petsa ay makatatanggap pa din ng 100 percent ng kaniyang sahod sa nasabing araw.

Kung pumasok naman sa trabaho, 200 percent ng sweldo ang dapat na makuha ng empleyado sa unang walong oras ng pagtatrabaho.

May mga karagdagan pang sweldo kung sosobra sa walong oras ang duty ng empleyado.

Ang April 21 ay deklaradong regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *