532 pang PDLs palalayain ng BuCor

532 pang PDLs palalayain ng BuCor

Sa darating na Abril 20, ang Bureau of Corrections (BuCor) ay nakatakdang magpalaya ng 532 na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang kulungan o penal farm sa bansa.

Nabatid na kabilang sa lalaya ang 75 na PDL mula sa maximum security compound; 122 sa medium security compound habang 12 naman mula sa minimum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Dalawang PDL naman ang palalayain mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC);
20 sa Leyte Regional Prison (LRP) at 62 naman sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF).

Samantala nasa 16 na PDL ang lalaya mula sa Sablayan Prison Penal Farm (SPPF); 24 iba pa buhat sa Iwahig Prison Penal Farm (IPPF); 40 sa Correction Institute for Women (CIW) at 54 naman mula sa Davao Prison Penal Farm (DPPF).

Ayon sa BuCor na karamihan sa mga lalaya ay nakakumpleto na ng kanilang sentensiya habang napagkalooban naman ng parole ang ibang PDL dahil sa ipinamalas na magandang record sa loob ng bilangguan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *