Pitong lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Pitong lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index

Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa pitong lugar sa bansa araw ng Lunes, Apr. 17.

Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:

• Dauis, Bohol – 44 degrees Celsius
• Roxas City, Capiz – 44 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 43 degrees Celsius
• Catarman, Northern Samar – 42 degrees Celsius
• Dipolog, Zamboanga del Norte – 42 degrees Celsius
• Masbate, City Masbate – 42 degrees Celsius
• San Jose Occidental, Mindoro – 42 degrees Celsius

Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.

Sa PAGASA Science Garden sa Quezon City umabot sa 39 degrees Celsius ang naitalang heat index noong Linggo at 41 degrees Celsius naman sa NAIA sa Pasay City. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *