P150M na halaga ng agri products nadiskubre sa anim na warehouse sa NCR

P150M na halaga ng agri products nadiskubre sa anim na warehouse sa NCR

Nagsagawa ng serye ng inspeksyon ang Bureau of Customs (BOC) sa anim na warehouse sa Metro Manila.

Sa nasabing inspeksyon nadiskubre ang aabot sa P150 million na halaga ng mga agricultural products kabilang ang mga frozen meat at fresh fruits.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service-MICP (ESS-MICP), at ESS-Quick Reaction Team (ESS-QRT) sa bisa ng inisyung Letters of Authority (LOAs) ni Customs Commissioner Bien Rubio.

Ang mga warehouse na isinailalim sa inspeksyon ay nasa Caloocan, Maynila at Navotas.

Ang warehouse na nakita sa Navotas ay walang laman subalit base sa itsura ng pasilidad ay gagamitin itong storage facility.

Sasailalim sa inventory ang mga natuklasang produkto.

Ang mga may-ari ng produkto ay kailangang magsumite ng importation documents o proof of payment.

Sakaling mabigo ay sasailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang mga produkto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *