2 arestado, P1.8M na halaga ng marijuana nakumpiska sa La Trinidad, Benguet

2 arestado, P1.8M na halaga ng marijuana nakumpiska sa La Trinidad, Benguet

Nakumpiska ng mga otoridad ang P1.8 million na halaga na marijuana mula sa dalawang drug personalities sa La Trinidad, Benguet.

Sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office III, nakumpiska ang labingapat na piraso ng “dried marijuana in tubular form”.

Ginawa ang operasyon sa Brgy. Balili sa La Trinidad, Benguet.

Ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Marion Asislo at Amado Paycao, ay kapwa residente ng Santol, La Union.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *