Mga magulang hinikayat ng DOH na pabakunahan ang mga anak sa idaraos na Chikiting Ligtas sa susunod na buwan

Mga magulang hinikayat ng DOH na pabakunahan ang mga anak sa idaraos na Chikiting Ligtas sa susunod na buwan

Magdaraos ng isang buwang pagbabakuna ang Department of Health (DOH) para sa mga bata sa susunod na buwan.

Ang Chikiting Ligtas ay isasagawa sa May 1 hanggang 31, 2023 na layong mabakunahan ang mga bata laban sa polio, rubella at tigdas.

Ayon sa DOH, ang tigdas ay lubhang nakahahawa kaya mas mainam na pabakunahan ang mga bata laban dito.

Ang bakuna kontra tigdas at rubella ay ibinibigay sa mga edad 9 hanggang 59 na buwan.

Habang ang bakuna kontra polio naman ay ibinibigay sa mga edad 0 hanggang 59 na buwan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *