87 barangay, 1 munisipalidad sa Central Visayas idineklara bilang”drug free”
Idineklara bilang drug free ang 87 mga barangay at isang munisipalidad sa Central Visayas region.
Ito ay kasunod ng isinagawang deliberation process ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).4
Kabilang sa idineklarang drug-cleared ang 41 barangay mula sa Cebu Province, 16 sa Bohol, 22 sa Negros Oriental, at mula sa Cebu City.
Idineklara ding drug free ang munisipalidad ng Basay sa Negros Oriental na naging kauna-unahang drug-cleared municipality sa probinsya.
Ayon kay Dir. III Jigger B. Montallana, PDEA 7 Regional Director magpapatuloy ang mga anti-illegal drug programs maging sa mga lugar na deklarado nang drug free.
Tuloy din ang regular validation process sa mga barangay kaya magpapatuloy ang pagsasagawa ng monitoring sa illegal drug activities, anti-illegal drug operations, at drug abuse prevention initiatives. (DDC)