Mga motorista pinag-iingat sa mga oras na madalas mangyari ang aksidente sa mga kalsada sa Metro Manila

Mga motorista pinag-iingat sa mga oras na madalas mangyari ang aksidente sa mga kalsada sa Metro Manila

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga oras na madalas mangyari ang aksidente sa mga lansangan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, sa mga oras na mula alas-11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali; ala-1:00 ng hapon; 4:00 ng hapon at 7:00 ng gabi ay madalas nangyayari ang aksidente sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region.

Ito ay base sa Metro Manila Accident Report Analysis System (MMARAS) mula 2017 hanggang 2020 na naireport para sa Comprehensive Management Traffic Management Plan for Metro Manila.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga motorista sa kanilang pagmamaneho sa lahat ng oras at pagkakataon.

Paalala ng ahensya na bilang driver ay siguraduhin na nasa kondisyon ang katawan para iwas-aksidente.

Anuman ang iyong sasakyan, tiyaking maayos ito at i-check ang BLOWBAGETS (battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self) bago umalis para iwas aberya na, iwas pa sa aksidente sa kalsada ayon pa sa MMDA. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *