Terminal reassignments para sa international airlines at flights sa NAIA ipinatupad na
Nagsimula nang ipatupad ang bagong terminal assignments para sa flights ng limang airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Epektibo noong Linggo, April 16, nagsimula na ang terminal reassignments ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa international airlines at flights sa NAIA.
Sa NAIA 3 na ang departure at arrival ng international flights ng JetStar, JetStar Asia, Starlux, China Southern Airlines, at Scoot.
Samantala, sa Terminal 1 na ang departure at arrival ng mga sumusunod na international flights ng flag carrier na Philippine Airlines:
– Singapore
– Ho Chi Minh
– Hanoi
– Phnom Penh
Sa June 1, June 6 at July 1, 2023 ay ipatutupad ang mga susunod pang pagbabago ng terminal assignments. (DDC)