Clearing operations sa pinangyarihan ng sunog sa Bontoc, Mt. Province nagpapatuloy; cash donations sa mga nasunugan, P2.6M na
Ipinagpatuloy ngayong araw ang clearing operations sa lugar kung saan naganap ang malaking sunog sa Bontoc, Mt. Province.
Gamit ang mga heavy equipment, nililinis ang lugar na pinangyarihan ng sunog noong April 11, 2023 sa Barangay Poblacion.
Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ng Bontoc ang publiko na iwasang magtungo sa lugar at iwasan ang pumasok sa lugar na naka-kordon.
Ito ay para matiyak ang kanilang kaligtasan sa mga nagkalat pang debris that sa lugar.
Samantala, hanggang 1:00 ng hapon ng Apr. 13 araw ng Linggo, umabot na sa P2,607,717 ang halaga ng mga nalikom na cash donations para sa mga nasunugan.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Municipal Treasurer’s Office ng Bontoc.
Patuloy din ang pagdating ng in-kind donations. (DDC)