Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, 83 percent ng kumpleto

Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, 83 percent ng kumpleto

Nasa 83 percent nang kumpleto ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project batay sa update mula sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nananatiling on track ang LRMC sa pagkumpleto ng nasabing proyekto.

Inumpisahan ang konstruksyon ng Phase 1 ng Cavite Extension Project noong September 2019.

Kasama sa Phase 1 ang pagtatayo ng mga istasyon kabilang ang Dr. Santos, MIA, Ninoy Aquino, Asia World, at Redemptorist.

Ayon sa DOTr, halos kumpleto na ang rail systems, installation ng trackwork at overhead catenary system. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *