2 centenarians sa GenSan tumanggap ng P100k cash incentives

2 centenarians sa GenSan tumanggap ng P100k cash incentives

Ipinagkaloob ng Local Government Unit ng General Santos City sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development and City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang P100,000 na cash incentives para sa dalawang centenarians sa lungsod.

Tinanggap nina Cecilia Custodio ng Brgy. Dadiangas South at Exaltacion Gonzales ng Brgy. Katangawan ang nasabing halaga.

Personal na ipinagkaloob ni National Commission of Senior Citizens, commissioner Edwin Espejo, at mga kinatawan mula sa Mayor’s Office ang cash incentives. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *