Kampanya laban sa smuggling mas pinalakas pa ng BOC; 65 reklamo vs smugglers naihain sa unang quarter ng taon

Kampanya laban sa smuggling mas pinalakas pa ng BOC; 65 reklamo vs smugglers naihain sa unang quarter ng taon

Nangako si Customs Commissioner Bienvenido Rubio na lalo pang pag-iibayuhin ng kanyang ahensya ang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang mga lokal na industriya.

Ginawa ni Rubio ang pahayag matapos na makapagsampa ng 65 reklamo ang BOC sa Department of Justice laban sa mga smuggler sa unang quarter ng 2023.

Sa naturang bilang ay 49 reklamo ang may kaugnayan sa tangkang pagpuslit ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Bukod sa hindi pagbabayad ng buwis, sinabi ni Rubio na maaaring may dalang panganib sa kalusugan ang mga smuggled na produkto.

Samantala, sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Rubio, nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng BOC kasama ang mga pulis sa isang warehouse sa Guiguinto, Bulacan kamailan.

Nasa warehouse ang iba’t ibang uri ng electronic device gaya ng Smart TV, laminating machine, mga computer unit at iba’t ibang spare parts na pinaniniwalaang iligal na ipinasok sa bansa.

Ikinandado ng BOC ang warehouse habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman kung papaano naipasok ang naturang mga kargamento at inihahanda ang pagsasampa ng reklamo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *