MOA para sa pagpapatupad ng single ticketing system nilagdaan ng MMDA, LTO at Metro Mayors

MOA para sa pagpapatupad ng single ticketing system nilagdaan ng MMDA, LTO at Metro Mayors

Lumagda na sa Memorandum of Agreement ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga Metro Manila Mayor at ang Land Transportation Office (LTO) kaugnay sa implementasyon ng single ticketing system.

Sa ilalim ng pagpapatupad ng single ticketing system, pareho na ang penalties sa 18 common traffic violation at dalawang special law.

Kabilang dito ang disregarding traffic signs, illegal parking at number coding.

Nakasaad din sa sistema na hindi na kukumpiskahin ang lisensya ng mga violators.

Maaari ding bayaran ang violations sa pamamagitan ng online payment, Gcash at bayad center.

Ang single ticketing system ay nakatakdang ipatupad sa Metro Manila sa May 2.

Asinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na magkakaroon ng pilot testing ang MMDA kasama ang 7 Metro Manila LGUs na San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, ParaƱaque, Manila, at Caloocan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *