Mahigit P1B para sa rice assistance sa mga kawani ng gobyerno inilabas na ng DBM

Mahigit P1B para sa rice assistance sa mga kawani ng gobyerno inilabas na ng DBM

Ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) sa National Food Authority (NFA) ang kabuuang P1,182,905,000 para pondohan ang one-time rice assistance na ipagkakaloob sa lahat ng kwalipikadong empleyado o kawani ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA).

Ito aniya ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin ang kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay tulong para sa kanilang mga pangangailangan.

Tinatayang nasa 1,892,648 na mga kawani ng gobyerno ang makikinabang sa rice assistance, kabilang na ang mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) personnel.

Sa Administrative Order No. 2 na pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr., nakasaad ang pagbibigay ng one-time assistance sa lahat ng mga kwalipikadong manggagawa ng pamahalaan sa nagkakaparehong halaga na tig-25 kilograms ng bigas bawat isa.

Sakop sa mga makatatanggap ng rice assistance ang mga kawani na nananatili sa serbisyo o nagtatrabaho sa mga ahensya ng gobyerno ng hanggang ika-30 November 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *