Second booster ng COVID-19 vaccine para sa general population sisimulan na sa Maynila

Second booster ng COVID-19 vaccine para sa general population sisimulan na sa Maynila

Maaari nang magpabakuna ng second booster ng COVID-19 vaccine ang general population sa Maynila.

Kasunod ito ng abiso ng Department of Health (DOH) kung saan pinapayagan na ang pagbibigay ng second booster sa general population.

Ayon sa abiso ng Manila Public Information Office, maaaring magtungo sa mga health center sa lungsod para makatanggap ng second booster.

Ito ay mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM hanggang 4PM.

Kailangang mayroong anim na adults na babakunahan bago makapagbukas ng isang vial ng Pfizer vaccine upang maiwasan ang pagkasayang.

Ang second booster ng COVID-19 vaccine ay ibibigay sa mga edad 18 pataas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *