P2.9M na halaga ng E-CLIP assistance ipinamahagi sa 38 dating mga sa rebelde Quezon
Ipinamahagi ang P2,965,944 na halaga ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) Package Assistance sa mga dating rebelde sa lalawigan ng Quezon.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Quezon Gov. Angelina D.L Tan na isinagawa sa provincial capitol sa Lucena City.
Umabot sa 38 mga dating rebelde ang nakinabang sa benepisyo.
Kasama sa isinagawang pamamahagi ng Package Assistance ang DILG Quezon.
Lima (5) sa 38 dating rebelde ang mula sa himpilan ng 85 Infantry Battalion at ang iba ay mula sa himpilan ng 59IB, 1IB, 201st Brigade at 202nd Brigade.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Lieutenant Colonel Joel Jonson, ang Commanding Officer ng 85th Infantry Battalion sa lahat ng naging daan at tumulong sa mga dating rebelde upang silay makapagbagong buhay.
Ayon pa sa kanya, nananating bukas ang himpilan ng 85IB upang tanggapin at tulungan ang natitira pang mga rebelde na nais magbalik-loob sa gobyerno. (DDC)