P20M halaga ng smuggled na Smart TV at computer system units nakumpiska ng BOC sa warehouse sa Bulacan

P20M halaga ng smuggled na Smart TV at computer system units nakumpiska ng BOC sa warehouse sa Bulacan

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang warehouse facility na pag-aari ng ECOM Electronics Reconditioning Services sa Guiguinto, Bulacan.

Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang mga smuggled na Smart Televisions at computer system units.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – Port of Manila, Criminal Investigation and Detection Group – ng PNP, at Enforcement and Security Service sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inisyu ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Nadiskubre sa loob ng warehouse ang mga Smart TV na iba-iba ang laki, mga makina na ginagamit sa pag-laminate, mga kahon na ginagamit sa packaging, at raw materials para sa pagsasagawa ng reconditioning at repair.

Tinatayang aabot sa P20 million ang halaga ng mga kontrabando na nakita sa loob ng warehouse.

Magsasagawa ng inventory ang Implementing Team sa mga nakumpiskang gamit.

Nagtalaga din muna ng tauhan ang BOC sa entrance at exit gates ng warehouse habang ginagawa ang imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *