Bagyong Amang magiging LPA na lang sa susunod na 12-oras; mga lugar na nakasailalim sa Signal No. 1 nabawasan na
Hihina ang Tropical Depression Amang at magiging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang sa susunod na 12-oras.
Sa 8AM weather bulletin na inilabas ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa karagatang sakop ng Jomalig, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong West northwest.
Ayon sa PAGASA, nakataas na lamang ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– northern and western portions ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Paracale, Jose Panganiban, Vinzons)
– southern portion ng Aurora (Dingalan, San Luis) – northern and eastern portions ng Quezon (Calauag, Infanta, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Lopez) kabilang ang Polillo Islands
Simula ngayong umaga hanggang bukas ng umaga ay makararanas pa rin ng pag-ulan sa Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON dahil sa bagyo. (DDC)