Mahigit 1.6 million na pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa noong Semana Santa

Mahigit 1.6 million na pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa noong Semana Santa

Nakapagtala ng mahigit 1.6 million na mga pasahero sa mga pantalan sa bansa noong Holy Week.

Sa datos na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA), mula April 2 hanggang 10, 2023 umabot na sa 1,628,950 ang bilang ng mga pasaherong naitala sa mga pantalan o 24% na mas mataas sa 1.3M noong 2022.

Sinabi ng PPA na sa pangkalahatan ay naging maayos at ligtas ang paggunita ng Semana Santa sa mga pantalan.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, bumabalik na sa pre-pandemic level ang bilang ng mga pasahero dahil na rin sa mas maluwag na COVID-19 restrictions.

Noong Apr. 10 nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga pasahero sa pantalan na umabot sa 253,154.

Noon namang Holy Wednesday umabot sa 233,962 ang naitalang pasahero.

Ayon kay Santiago, ilan lamang sa reklamong natanggap nila sa mga pasahero ay ang hindi gumaganang online booking system ng mga shipping lines partikular sa Batangas port.

Sinabi ni Santiago na naipag-bigay alam na nila ito sa MARINA. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *