Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.4 na lindol
Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 145 kilometers southeast ng Governor Generoso, 10:02 ng umaga ng Miyerkules (Apr. 12).
May lalim na 59 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III
– Jose Abad Santos, DAVAO OCCIDENTAL
Intensity II
– Malungon and Glan, SARANGANI
– Malita, DAVAO OCCIDENTAL
Intensity I
– Malapatan, Sarangani
– Polomolok, SOUTH COTABATO
Ayon sa Phivolcs posibleng magdulot ng aftershocks ang nasabing lindol. (DDC)