Bagyong Amang napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas sa marami pang lugar sa Luzon

Bagyong Amang napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas sa marami pang lugar sa Luzon

Napanatili ng tropical depression Amang ang lakas nito.

Sa 11AM weather bulletin, ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa coastal waters ng Caramoan, Camarines Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Catanduanes
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Burias Island
– Ticao Island
– Laguna (Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Pila)
– Aurora
– Quezon (City of Tayabas, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan) – Polillo Islands
– Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala, Rodriguez, Baras, City of Antipolo), – Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad) – Nueva Ecija (Gabaldon, Bongabon, Laur, General Tinio)

Ayon sa PAGASA, northwestward ang kilos ng bagyo at sa susunod na 12-oras dadaan ito sa eastern localities ng Camarines Sur, Lamon Bay, at Quezon.

Inaasahan ding hihina ang bagyo bukas at magiging isang low pressure area na lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *