Tulong para sa mga magsasagaka at mangingisda na maaapektuhan ng bagyong Amang inihahanda na ng DA

Tulong para sa mga magsasagaka at mangingisda na maaapektuhan ng bagyong Amang inihahanda na ng DA

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang tulong para sa mga magsasaka na maaapektuhan ng Bagyong Amang.

Ayon sa DA, activated na ang DA Regional DRRM Operation Centers.

Mayroon na ring naka-preposition na mga binhi para sa palay at mais at naghanda na din ng gamot at biologics para sa livestock at poultry.

Nakipag-ugnayan na din ang DA sa mga lokal na pamahalaan para ma-monitor ang mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang mga matured crops.

Kailangan ding tiyakin nasa ligtas na lugar ang kanilang mga binhi, planting materials at iba pang farm inputs.

Kasama ring pinatitiyak ng DA na naka-secure ang mga pagkain para sa livestock; i-relocate ang mga hayop, farm machineries, at iba pang gamit sa mataas na lugar.

Ang mga mayroong fish pen ay pinayuhang magsagawa din ng early harvest. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *