Lokal na pamahalaan ng Bontoc nanawagan ng donasyon para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog

Lokal na pamahalaan ng Bontoc nanawagan ng donasyon para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog

Umabot sa 114 na katao ang nawalan ng tirahan sa malaking sunog na naganap sa Bontoc, Mt. Province noong madaling araw ng Martes (Apr. 11).

Sa datos mula sa lokal na pamahalaan ng Bontoc, nakapagtala ng 22 establisyimento at mga bahay na natupok.

Sampu naman ang partially damaged.

Mayroon ding nasunog na siyam na sasakyan.

Kaugnay nito, tumatanggap na ng donasyon ang pamahalaang lokal para sa mga naapektuhang pamilya.

Higit na kailangan ng mga nasunugan ang malinis na damit, sanitary pads, footwear, baby diapers, at mga damit para sa mga sanggol.

Ang mga nasunugan ay pansamantalang nananatili sa All Saints Mission Compound.

Ang drop-off point para sa mga donasyon ay sa Bontoc Emergency Operations. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *