Clean and green program nagpapatuloy sa Las Piñas City

Clean and green program nagpapatuloy sa Las Piñas City

Nagpapatuloy ang isinasagawang mga aktibidad pangkalinisan sa Las Piñas City
na bahagi sa maigting na clean and green program ng lokal na pamahalaan.

Sa pangangasiwa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nagsagawa ng clean-up operation sa Dalig Creek, Naga Road Barangay Pulanglupa Uno upang mapanatili ang kalinisan ng naturang estero.

Ikinasa rin ang tree trimming acyivity sa Divine Light Academy at Kamias Street, Pilar Village na layung mabawasan ang banta ng pagbagsak ng mga sanga ng matatandang puno na maaaring magdulot ng panganib o sakuna sa mga pedestrian sa lugar.

Bukod dito,kinolekta rin ng mga tauhan ng CENRO ang mga basura sa Abel Noche St., BF Resort Village, Brgy. Talon Dos; Maligaya Compound Brgy. Pilar; at Divine Light Academy Brgy. Pamplona Dos.

Ang pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ay bahagi sa pagsiguro ng Las Piñas LGU sa kalusugan at kapakanan ng mga residente. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *