Unang shipment ng durian galing Pilipinas dumating na sa China
Dumating na sa China ang unang shipment ng mga durian galing ng Pilipinas.
Ayon sa Facebook post ng Chinese Embassy sa Manila, dumating ang 18 tons ng Philippine durian sa Nanning, capital sa Guangxi Zhuang Autonomous Region.
Matapos ito ay dinala na ang mga produkto sa dealer ng Dole Food Co Inc. sa Shanghai.
Ang unang shipment ng mga durian ay naisakatuparan tatlong buwan matapos ang export protocol na nilagdaan ng Pilipinas at China.
Mayroon na ring paparating na ikalawang batch ng shipment.
Inaasahan ng kumpanyang Dole na ang China ang magiging biggest export destination para sa Davao na pangunahing durian production base sa Pilipinas.
78 percent ng total durian output ng Pilipinas ay mula sa Davao. (DDC)