Mahigit P40M na halaga ng food packs at non-food items inihanda na ng DSWD Eastern Visayas para sa posibleng epekto ng Bagyong Amang
Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development – Eastern Visayas sa posibleng magiging epekto ng Bagyong Amang sa rehiyon.
Ayon sa DSWD Region 8, mayroong nakahandang 40,088 Family Food Packs (FFPs) at 14,492 Non-Food Items (NFIs) ang sa iba’t ibang warehouse sa buong rehiyon.
Sa kabuuan, mayroong nakahandang P26.9 million na halaga ng Family Food Packs at mahigit P20 million na halaga ng non-food items.
Mayroon ding standby funds na P5 million.
Ito ay para sa mabilis na pagtugon sa posibleng magiging epekto ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, kabilang ang Samar, Eastern Samar at Northern Samar sa makararanas ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyong Amang. (DDC)