Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero umabot sa 2.47M mas mataas kumpara noong Enero

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Pebrero umabot sa 2.47M mas mataas kumpara noong Enero

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong nagdaang buwan ng Pebrero 2023 kumpara noon Enero 2023.

Batay sa resulta ng February 2023 Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 2.47 million na unemployed noong Pebrero na mas mataas kumpara sa 2.37 million noong Enero.

Ayon kay National Statistician, Usec. Dennis Mapa, umpakatawan ito sa unemployment rate na 4.8 percent, o apatnapu’t walo (48) sa kada isang libong (1,000) indibidwal na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo noong Pebrero 2023.

Samantala, ang bilang naman ng underemployed noong Pebrero 2023 ay tinatayang nasa 6.29 million o kumakatawan sa underemployment rate na 12.9 percent.

Ang employed persons o bilang ng mga may trabaho o negosyo ay para sa nasabing buwan ay naitala sa 48.80 million.

Katumbas ito ng employment rate na 95.2 percent.

Ayon kay Mapa, ang employment rate ng mga kalalakihan na naitala sa 95.5 percent ay mas mataas kaysa sa naitalang employment rate para sa mga kababaihan na nasa 94.7 percent.

Nananatiling ang services sector pa rin ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng labor force na may 59.6 percent share.

Kasunod nito ang agriculture sector na may 24.1 percent share, habang ang industry sector naman ay may share na 16.3 percent share. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *