Pag-iral ng number coding balik na ngayong araw – MMDA

Pag-iral ng number coding balik na ngayong araw – MMDA

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista hinggil sa pagbabalik muli ngayong araw ng pag-iral ng number coding.

Ang number coding ay ipinatutupad mula 7am hanggang 10am at 5pm hanggang 8pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.

Sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, marked government vehicle, trak ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *