Coast Guard namahagi ng food packs sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Coast Guard namahagi ng food packs sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Umabot sa 3,000 food packs ang ipinamahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) at PCG Auxiliary (PCGA) ng Southern Tagalog para sa mga apektadong residente ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ang mga food packs ay tinanggap ni Provincial Government Administrator Hubbert Christopher Dolor mula kay Coast Guard District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Inocencio Rosario Jr. at Auxiliary Director, Commodore Mark Llandro Mendoza.

Nakibahagi rin sa aktibidad si Incident Management Team-Oriental Mindoro Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng bigas, canned goods, at purified drinking water.

Pagkatapos nito, nagsagawa ng Oriental Mindoro oil spill briefing para sa PCGA na katuwang ng PCG para maitaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *