Pangulong Marcos binati ang boxer na si Marlon Tapales sa pagkakapanalo bilang WBA at IBF champion
Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbati sa Pinoy Boxer na si Marlon Tapales.
Si Tapales ay itinanghal bilang unified World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) super bantamweight champion.
Pinasalamatan ng pangulo si Tapales sa pagiging inspirasyon nito sa mga kapwa atletang Pilipino.
Tinalo ni Tapales via unanimous decision ang Uzbek na si Murodjon Akhmadaliev sa kanilang laban sa Tech Port, San Antonio, Texas. (DDC)